3 tulak, arestado sa drug den
- BULGAR
- Oct 25, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 25, 2023
ZAMBALES -- Tatlong drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Calapacuan, Subic sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Juvie Aquisap, Bryan Breanan at Michael Wab, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad nila itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng P103,000 halaga ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments