3 tulak, arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | January 05, 2022
DAVAO CITY—Tatlong drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 8-A Madapo.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Leo Daan, Luhel Gaid at Zenas Magallanes, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments