3 tulak, arestado sa drug-bust

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 6, 2021
ZAMBALES—Tatlong drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Calapacuan, Subic.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Jefrrey Roxas, JR Nayne at Nadil Akmad, pawang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na kaagad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek nang pagbentahan sila ng shabu ng tatlong drug pusher sa nasabing lugar.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 38 gramo ng shabu markadong pera at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments