3 sugarol, timbog sa sabong
@Balitang Probinsiya | March 28, 2021
AKLAN—Tatlong sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Badio, Numancia.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Dave Nalangan, 21-anyos; John dela Cruz, 22-anyos at ang menor-de-edad na 16-anyos na itinago sa pangalang “Boy”, pawang residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may kalalakihan nagtutupada sa nasabing barangay kaya agad itong sinalakay ng operatiba at dito nadakip ang mga suspek, samantalang nakatakas naman ang iba pang sabungero.
Nabatid na nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.



Comments