top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

3 sugarol, timbog sa pusoy-dos

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 21, 2020



NUEVA ECIJA—Tatlong sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng pusoy-dos kamakalawa sa Bgy. Umangan, Aliaga.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Raymond San Pedro, Vilma San Pedro at Rosalie Garcia, pawang residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may nagsusugal ng pusoy-dos sa naturang barangay.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa tatlong sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page