3 sugarol, timbog sa lucky 9

@Balitang Probinsiya | December 1, 2020
BENGUET—Tatlong sugarol ang dinakip ng mga awtoridad nang mahuli sa aktong nagla- lucky 9 kamakalawa sa Bgy. Puguis, La Trinidad.
Kinilala ang mga suspek na sina Allan Besic, Rolito Parao at Eugene Sacay, pawang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nahuli sa akto ng pulisya ang mga suspek sa nagla-lucky 9 sa naturang barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.



Comments