3 sugapa sa droga, arestado

@Balitang Probinsiya | February 2, 2021
SOUTHERN LEYTE—Tatlong drug addict ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa drug den kamakalawa sa Tacloban City.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Romeo Mista, Danuel Rayubal at Alfonso Asebo, pawang nakatira sa naturang lungsod.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagsasagawa ng pot session ang tatlong suspek sa nasabing lugar kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang tatlong drug addict.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng sachets ng shabu at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.



Comments