3 patay sa Bagyong Beryl, 2.7M tahanan nawalan ng kuryente
- BULGAR

- Jul 10, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Overseas News | July 10, 2024

Sinalanta ng Bagyong Beryl ang timog-silangang Texas nitong Lunes na may napakalakas na hangin at ulan, na nagdulot ng tatlong pagkamatay at pagkawala ng kuryente sa 2.7 milyong tahanan at negosyo.
Sa Texas, isang 53-anyos na lalaki at isang 74-anyos na babae ang namatay sa dalawang magkahiwalay na insidente dahil sa mga puno na bumagsak sa kanilang mga tahanan sa Houston area noong Lunes.
Sinabi naman ni Lieutenant Governor Dan Patrick na may pangatlong tao ang nasawi, matapos na malunod sa ilalim ng tulay ang isang empleyado ng lungsod ng Houston na papasok sa trabaho.
Ayon pa kay Patrick at PowerOutage.us, mahigit sa 2.7 milyong tahanan at negosyo sa Texas ang nawalan ng kuryente. Sa ngayon, humina at naging tropical storm na lamang ang Beryl, na kalauna'y naging pinakamaagang Category 5 na bagyo ngayong season.








Comments