3 patay, 1 sugatan sa kotse vs. SUV

@Balitang Probinsiya | December 20, 2020
SORSOGON—Tatlong katao ang namatay at isa ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang sinasakyan nilang kotse at isang SUV vehicle kamakalawa sa Bgy. Milagrosa, Castilla.
Ang mga nasawi ay sina Melvin Dolot, driver ng puting kotse; Ma. Theresa Peterson at Jeriel Merendilla, samantalang ang sugatan ay ang driver ng SUV na si Jonathan Peralta.
Ayon sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng kotseng minamaneho ni Dolot na kinalululanan din nina Peterson at Merendilla at SUV na minamaneho ni Peralta kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa nasabing barangay.
Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking sugat sa ulo at pinsala sa katawan sina Dolot, Peterson at Merendilla na agad nilang ikinamatay, samantalang ginagamot na sa ospital si Peralta.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property laban kay Peralta.



Comments