top of page
Search
  • BULGAR

3 NPA, todas sa engkuwentro

@Balitang Probinsiya | Ika-24 ng Pebrero, 2024


NEGROS OCCIDENTAL -- Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Brgy. Pinapugasan, Escalante City sa lalawigang ito.

 

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.

 

Nabatid na habang nagpapatrulya ang mga tropa ng pamahalaan ay nakasalubong ng mga ito ang mga miyembro ng NPA sa nasabing barangay.

 

Dahil dito, agad nagbarilan ang magkabilang-panig hanggang mapatay ang tatlong miyembro ng NPA.

 

Nang makita ng ibang komunista na napatay ang tatlong kasamahan nilang NPA ay mabilis silang tumakas at sa ngayon ay tinutugis pa sila ng tropa ng pamahalaan.

0 comments

Recent Posts

See All

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page