top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 NPA, timbog sa checkpoint

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 27, 2023


BATANGAS -- Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang naaresto mga awtoridad kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Buhay na Sapa, San Juan sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na sina Ernesto Baes, Jose Escubio at Jonald Jabonero, pawang nasa hustong gulang at mga miyembro ng NPA-Southern Tagalog Regional Committee.


Napag-alaman na napadaan sa police checkpoint, ang behikulong kinalululanan ng mga suspek at nang beripikahin ang mga ito ay napag-alaman na mga miyembro sila ng NPA na may mga kasong murder, at saka dinakip sila ng mga awtoridad.


Nabatid na nakumpiskahan din ang mga suspek ng tatlong kalibre .45 pistola, mga bala at pampasabog.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page