top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 NPA sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 17, 2023


SULTAN KUDARAT—Tatlong miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Tibpuan, Lebak sa lalawigang ito.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Nabatid na isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Sinabi ng mga sumukong komunista na nais na umano nilang magbagong--buhay kaya sumuko sila sa pamahalaan.


Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page