3 NPA, sumurender
@Balitang Probinsiya | January 05, 2022
NUEVA ECIJA—Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Bongabon.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista na nakabase sa Bataan.
Ayon sa ulat, na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga NPA ang dala nilang mga armas at subersibong dokumento.
Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments