top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 notoryus na tulak, tiklo sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 29, 2023


SOUTH COTABATO—Tatlong notoryus na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. New Dumangas, T'boli sa lalawigang ito.


Nakilala ang mga suspek na sina Junriel Caballero, Cyrill Simpao at Reynaldo Rillon, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na bayan,


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page