3 notoryus na tulak, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | December 2, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Tatlong notoryus na drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. 3, Bacolod City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga otoridad.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek nang pagbentahan nila ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.
Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng mahigit ilang gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments