3 notoryus na tulak, arestado

@Balitang Probinsiya | December 28, 2020
PAMPANGA—Tatlong notoryus na drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ninoy Aquino, Angeles City.
Nakilala ang mga suspek na sina Noraden Ariray, Roberto Cabungco at Anthony Bonifacio, pawang residente sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 11 pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.



Comments