3 notoryus na holdaper-karnaper natiklo

@Balitang Probinsiya | October 20, 2020
NUEVA ECIJA—Tatlong notoryus na holdaper-karnaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Puncan, Carranglan.
Nakilala ang mga suspek na sina Joseph Claveria, residente ng San Miguel, Bulacan; Wendell Gregorio at Maverick Almieda, kapwa nakatira sa Pasig City.
Nabatid na babaeng biktima ng panghoholdap at lalaki rin ang nag-report na kinarnap ng mga suspek ang kanyang motorsiklo.
Dahil dito, agad nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya kaya nadakip ang mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong robbery at carnapping.



Comments