3 nagto-tong-its, arestado
- BULGAR
- Aug 26, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 26, 2023
NUEVA ECIJA -- Tatlong sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng tong-its kamakalawa sa Bgy. Santo Tomas Feria, Quezon sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang tatlong suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa tatlong sugarol.



Comments