3 most wanted criminal, nasakote
@Balitang Probinsiya | Enero 18, 2023
SORSOGON—Tatlong most wanted criminal ang sunud-sunod na inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanilang pinagtataguang lugar.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Rjay Jalmasco, 31-anyos, residente ng Bgy, Guinlajon, Sorsogon City; Roland Bagasala, 46-anyos, residente ng Bgy. Bibincahan, Sorsogon City at Lester Las Piñas, 33-anyos, residente ng Casiguran, pawang sa nasabing lalawigan.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong attempted homicide.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa mga pinagtataguan nina Jalmasco, Bagasala at Las Piñas, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang mga suspek sa naturang mga lugar.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang mga suspek at ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments