3 miyembro ng BIFF, sumurender

@Balitang Probinsiya | November 18, 2020
MAGUINDANAO—Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Parang.
Para sa kanilang seguridad, itinago na lang sa mga alyas na Nor, Pikot at Giyad ang mga sumukong terorista.
Nabatid na isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang tatlong pampasabog na rocket propelled grenade sa headquarters ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).
Ayon sa mga sumukong terorista, ninais na nilang makapiling ang kanilang pamilya at makapagbagong-buhay kaya sumuko na sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments