3 Miyembro ng 'akyat-bahay' nasakote
@Balitang Probinsiya | Enero 15, 2023
SORSOGON—Tatlong miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Market Site, Donsol.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Mark Quinones, 19-anyos; Jomar Aquino, 22-anyos at Ariel Lomerio, 28-anyos, pawang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng mga nagpapatrulyang awtoridad ang mga suspek habang nilolooban ang tindahang pag-aari ni Rose Ann Acabado, nasa hustong gulang at residente rin sa naturang barangay.
Dahil dito, agad inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.
Kusa namang sumama sa pulisya ang mga suspek na pawang nahaharap ngayon sa kasong qualified theft at trespassing.



Comments