top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

3 mangingisda, tiklo sa illegal fishing

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2023


COTABATO CITY -- Tatlong mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Brgy. Kalanganan 2 sa lungsod na ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga naarestong suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil sa paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda sa nasabing karagatan.


Hindi naman nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.


Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na sila ng pulisya ng kasong illegal fishing at illegal possession of explosives.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page