3 Magsasakang namutol ng kahoy arestado
- BULGAR
- Nov 10, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 10, 2022
LEGAZPI CITY—Tatlong magsasaka ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong namumutol ng punong-kahoy sa kabundukan ng Bgy. San Francisco.
Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na namumutol ng punong kahoy sa kabundukan ng nasabing bayan ang tatlong magsasaka kaya't agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments