3 Komunista sumurender
@Balitang Probinsiya | October 27, 2022
PAMPANGA—Tatlong miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa San Fernando City.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista na nag-o-operate sa Central Luzon.
Ayon sa ulat, isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang tatlong sumukong komunista.



Comments