3 komunista, sumurender
- BULGAR
- May 2, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 2, 2021
BENGUET—Tatlong na miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa La Trinidad.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista na pawang miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng mga komunista ang mga dala nilang armas, bala at mga subersibong dokumento sa headquarters ng Cordillera Region Police Office.
Ayon sa sumukong komunista, nais na nilang makapiling ang kanilang pamilya kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa pamahalaan.



Comments