top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 kelot, timbog sa 'cara y cruz'

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 17, 2023


AKLAN —Tatlong lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng "cara y cruz", kamakalawa sa Bgy. Bulwang, Numancia sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Charloe Custodio, Regie Rodrigo at Rorry Gomez, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng mga nagpapatrulyang operatiba ang mga suspek habang nagsusugal ng "cara y cruz" sa naturang lugar.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng baryang ginagamit sa "cara y cruz" at mga cash na taya sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa tatlong sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page