3 Kelot kritikal sa granada
@Balitang Probinsiya | Enero 4, 2023
MAGUINDANAO DEL SUR—Tatlong lalaki ang nasa kritikal na kalagayan nang masabugan ng granada ang kanilang pinaglalaruan kamakalawa sa Bgy. Baldon Sultan, Barongis.
Ang mga biktimang nagtamo ng mga shrapnels sa katawan ay nakilalang sina Bryan Damada, Erap Kaslon at Tolig Dowa, pawang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa mga saksi, nakita nila ang tatlong biktima na may pinaglalaruang granada hanggang sa sumabog ito.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa sila sa ospital.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino sa mga biktima ang may-ari ng granada na kanilang pinaglaruan.



Comments