3 kelot arestado sa ‘hot logs’
- BULGAR

- Aug 29, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 29, 2020
NUEVA ECIJA—Tatlong lalaki ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan kamakalawa ng mga “hot logs” o mga kahoy na illegal na pinutol sa kabundukan ng bayan ng Gabaldon.
Nakilala ang mga suspek na sina Crisanto Nunez, John Marc Vicencio at Christian Lanosa, pawang nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na namumutol ng puno ang mga suspek kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang tatlong illegal loggers.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 16 piraso ng pinutol na punong kahoy sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments