top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg
Search

@Balitang Probinsiya | August 29, 2020



NUEVA ECIJA—Tatlong lalaki ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan kamakalawa ng mga “hot logs” o mga kahoy na illegal na pinutol sa kabundukan ng bayan ng Gabaldon.


Nakilala ang mga suspek na sina Crisanto Nunez, John Marc Vicencio at Christian Lanosa, pawang nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na namumutol ng puno ang mga suspek kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang tatlong illegal loggers.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 16 piraso ng pinutol na punong kahoy sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

 
 

@Balitang Probinsiya | August 29, 2020



CABANATUAN CITY—Patay ang isang babaeng pasahero, habang sugatan naman ang dalawang driver nang aksidenteng magkabangaan ang tricycle at motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bangad.


Ang nasawi ay nakilalang si Jennifer Housiar, samantalang ang mga sugatan ay sina Eric Espiritu at Ronel Sardillo, pawang nakatira sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Espiritu ang kanyang tricycle at nakasakay sa likod nito si Housiar at nasa sidecar ang isa pang pasahero na si Paul Bernardino ay aksidente silang nabangga ng motorsiklong minamaneho ni Sardillo.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang tatlong biktima at nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan, samantalang hindi naman nasugatan si Bernardino.


Dinala ng mga saksi ang tatlong biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Housiar.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page