top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 katao, sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 20, 2021



AKLAN—Tatlong katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Linabuan Sur, Banga.


Ang mga biktima ay ang mag-asawang sina Rowelo, 56-anyos at Luz Cordero, 52-anyos at si Krisian Verde, 24-anyos, pawang residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Rowela habang kaangkas ang misis niyang si Luz at ang motorsiklong minamaneho ni Verde kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa nasabing lugar.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan na silang ginagamot, samantalang iniimbestigahan na ng pulisya kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page