3 katao sugatan sa ambush
@Balitang Probinsiya | March 10, 2023
MAGUINDANAO NORTE—Tatlong katao ang sugatan sa pang-a-ambush ng mga hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Tapian, Datu Odin Sinsuat sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Jonimar Minted at ang mag-asawang Reagan at Jane Blanan, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang lulan ang mga biktima sa isang van ay sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril sina Minted at mag-asawang Blanan.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin, samantalang ginagamot na ang mga biktima sa ospital.



Comments