3 Istambay timbog sa boga
@Balitang Probinsiya | December 29, 2022
PALAWAN—Tatlong istambay ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala kamakalawa sa Bgy. Sicsican, Puerto Princesa City.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina John Paul Padul, 23-anyos; Ronald Cursod, 26-anyos at David Arguelles, 25-anyos, pawang mga residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakita ng pulisya ang mga suspek na nakaistambay malapit sa establisimyento, kaya sinita ng mga awtoridad at nang kapkapan ay nakumpiskahan si Padul ng baril at mga bala.
Dahil dito, agad dinakip ng pulisya ang mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments