top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 illegal logger, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 3, 2023



NUEVA VIZCAYA -- Tatlong illegal logger ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng mga "hot logs" kamakalawa sa Bgy. Calitlitan, Aritao sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan ang mga ito.


Sa ulat, may nag-report sa pulisya na may mga dalang pinutol na punong-kahoy ang mga suspek na nakakarga sa isang closed van habang naglatag ng police checkpoint ang mga awtoridad.


Nang parahin at tingnan ang loob ng closed van, nakumpirmang may mga pinutol na punong-kahoy na lulan nito, at nang walang maipakitang dokumento, ay agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.


Nakapiit na ngayon ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page