3 illegal logger nasakote sa 'hot logs'
@Balitang Probinsiya | October 25, 2022
PALAWAN—Tatlong illegal logger ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng mga "hot logs" kamakalawa sa bayan ng Coron.
Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may tatlong lalaking namumutol ng punong kahoy sa kabundukan ng nasabing bayan kaya't agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments