top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 illegal logger nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 18, 2023


LAGUNA — Tatlong illegal logger ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng mga ‘hot logs’ kamakalawa sa bayan ng Kalayaan sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Marvin Pasco, Wendel Pacueza at Lamberto Labonera, pawang nasa hustong gulang, at mga residente sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may tatlong lalaking namumutol ng punong-kahoy sa kabundukan ng nasabing bayan kaya't agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad.


Nakapiit na ngayon ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page