3 HVT sa droga, huli sa shabu at boga
@Balitang Probinsiya | Ika-21 ng Pebrero, 2024
QUEZON -- Tatlong HVT (high value-target) sa droga ang inaresto ng mga otoridad nang makumpiskahan ng umano’y shabu, isang baril at mga bala kamakalawa sa Brgy. San Isidro, Candelaria sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya sa mga alyas na “Julius”, “Joel” at “Melvin”, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nagsagawa sa drug-bust operation ang mga otoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang mga suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga operatiba ng 17.46 gramo ng hinihinalang shabu, isang baril at mga bala sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition.



Comments