3 holdaper, nasakote
@Balitang Probinsiya | October 09, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Tatlong holdaper ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Allijis, Talisay City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Rodolfo Suelan, Roberto Delos Santos at Richard Parcon, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nilooban ng mga suspek ang isang establisimyento sa Bgy. Zone 12 sa naturang lungsod at matapos tangayin ang cash at cellphones ng dalawang empleyado ay mabilis silang tumakas.
Agad ini-report sa pulisya ng dalawang hindi pinangalanang empleyado ang panghoholdap at dahil dito ay rumesponde ang mga operatiba kaya nadakip ang tatlong holdaper na nakumpiskahan din ng tatlong baril at mga bala.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong robbery, illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comelec gun ban.



Comments