top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 holdaper nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 5, 2023


MASBATE – Tatlong holdaper na nangholdap sa dalawang negosyante ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Aroroy sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Rubel Francisco, Rico Mirasol at Gener Esparza, pawang nasa hustong gulang at mga nakatira sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, hinoldap ng mga suspek ang dalawang hindi pinangalanang mga negosyante sa bayan ng Mandaon sa naturang lalawigan, at natangay sa dalawang biktima ang cash na P68,000.


Matapos ang panghoholdap ay agad humingi ng tulong sa pulisya ang dalawang biktima, at sa follow-up operations ay nadakip ang tatlong holdaperat nakumpiskahan sila ng isang baril at mga bala.


Inihahanda na ngayon ng mga awtoridad ang kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunitions laban sa mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page