3 drug traffickers, tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | December 18, 2020
PAMPANGA—Tatlong drug traffickers ang nadakip sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Jose, San Fernando City.
Nakilala ang mga suspek na sina Crispin San Pedro, residente ng Bgy. Talang, Candaba sa nasabing lalawigan; Roldan Escajilla at Jover Quijano, kapwa nakatira sa Tondo, Maynila.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa naturang lalawigan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 500 gramo ng shabu, markadong pera at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments