top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

3 drug peddlers, timbog sa shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 6, 2021



BATANGAS—Tatlong drug peddlers ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Sto, Tomas.


Kinilala ang mga suspek na sina Mely Maniaga, Ma. Louela Diokno at Maximo Anoyo, pawang residente sa nasabing lalawigan.


Napag-alamang may natanggap na impormasyon ang pulisya na may dalang shabu ang mga suspek kaya’t naglunsad ng drug-bust operation dahilan kaya naaresto ang tatlong drug peddlers.


Nabatid na nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page