top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

3 drug dealer, huli sa checkpoint

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 4, 2024


KALINGA -- Tatlong drug dealer ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan sila

ng marijuana, kamakalawa sa police checkpoint sa Brgy. Dangoy, Lubuagan sa lalawigang ito. Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Christian Mariano, Lloyad Fernandez at Romnick Mendoza, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Valenzuela City.


Nabatid na inaresto ng mga otoridad ang mga suspek nang makumpiskahan ng mga pakete ng marijuana ang kinalululanan nilang kotse na napadaan sa police checkpoint.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga otoridad sa nasabing lugar. Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page