3 dedbol sa bus
@Balitang Probinsiya | April 10, 2023
DAVAO DEL NORTE—Tatlo katao ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang pampasaherong bus ang kinalululanan nilang van kamakalawa sa national highway ng Tagum City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mga biktima habang hindi pa naipaparating sa kanilang pamilya ang kinasangkutan nilang aksidente.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver ng bus sa pagmamaneho kaya nabangga nito ang van na kinalululanan ng mga biktima.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nilang ikinamatay.
Nakapiit na ngayon ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property.



Comments