top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

3 bigtime tulak, tiklo sa hotel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 10, 2023


ILOILO -- Tatlong bigtime drug pusher ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa loob ng isang hotel sa City Proper District, Iloilo City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joshua Singson, Johyn Ray Lozada at Noel Drilon, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa loob ng isang hindi pinangalanang hotel sa naturang lungsod.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 80 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page