3 bigtime tulak, nasakote sa drug bust
@Balitang Probinsiya | September 3, 2023
SURIGAO DEL NORTE -- Tatlong bigtime drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Lipata, Surigao City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mga suspek habang iniimbestigahan ang mga ito sa himpilan ng pulisya.
Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang arestuhin sila ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments