3 bigtime pusher, tiklo
@Balitang Probinsiya | July 22, 2023
NEGROS OCCIDENTAL — Tatlong bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cabug, Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Diane Tolmo, Feirry Santillana at Franz Jovi, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments