3 bigtime pusher, kulong
@Balitang Probinsiya | July 13, 2023
QUEZON -- Tatlong bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Dalahican, Lucena City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng pulisya.
Nabatid na nadakip ang suspek sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga operatiba ng anim na pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments