top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

3 Bahay, tinupok ng apoy

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 22, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 22, 2024


CAPIZ -- Tatlong bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Brgy. Salocan, Panitan sa lalawigang ito.

 

Ang sunog ay nagmula sa tahanan ng pamilya Villanueva na residente sa naturang lugar.

 

Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang apoy sa bahay ng mga Villanueva at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang dalawa pang kabahayan sa naturang lugar.

 

Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.

 

Inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi at halaga ng napinsala ng apoy sa tatlong tahanan sa nabanggit na barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page