top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

3 Bahay tinupok ng apoy

BULGAR
Dec 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 2, 2022


AKLAN—Tatlong bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa bayan ng Kalibo.


Ang mga nasunog ay tahanan ng tatlong magkakapitbahay sa Bgy. Andagao sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na nag-umpisa ang sunog sa bahay ng pamilya Mationg at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang dalawa pang kabahayan.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa tatlong tahanan sa nabanggit na barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page