3 bagets na rapist, nasakote
@Balitang Probinsiya | Ika-19 ng Pebrero, 2024
AKLAN -- Tatlong binatilyong rapist ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Dahil mga menor-de-edad pa ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga suspek na pawang residente sa nasabing lalawigan.
Ang dalawa sa mga suspek ay naaresto sa bayan ng Washington, samantalang ang isa pang suspek ay sa bayan ng Numancia nadakip.
Napag-alaman na hinuli ng mga operatiba ang tatlong suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang panggagahasa sa isang dalagita sa naturang lalawigan.
Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments