3 babaeng tulak, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | May 10, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Tatlong babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bry. 27, Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Emily De Asis, Juannie Villalba at Michelle Abanilla, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments